RSS

Panahon na para magsaya

Balik saya na naman tayo mga parokyano, mula sa pansamantalang pagkalugmok ng ating bansa dulot ng bagyong "ondoy" at "pepeng" ay muli na naman nating ibalik ang kasiyahan, bagama't marami pa tayong mga kababayan na hindi pa ganap na nakaka-ahon sa tahedyang sinapit, ang galit ng kalikasan na ating sinapit kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin tayo sa kadahilanan na ating napagtanto na marami palang mga kababayan na handang tumulong at bukas ang palad na magbigay sa abot ng makaka-aya para sa mga kababayan na nasalanta. 
halina...tayo na at muling magsaya.


Sisihan at hugas kamay

Bago ko ipagpatuloy ang kantahan at kasiyahan kasama ang mga parokyano ay nais kong mag post ng ilang pangungusap tungkol pa rin sa kaganapan pagkatapos ng trahedya na dulot ng bagyong “ondoy” na sinundan ng isa pang matiding bagyong “pepeng”.


Ayaw ko rin sanang haluan ng pulitika ang pahinang ito, ngunit bilang isang mamayang pilipino ay labis din akong naapektuhan sa mga walang puknat na batuhan ng sisi at paghuhugas ng mga kamay ng mga ibang na mga pulitiko ng bansa pagkatapos ng unos. Na tila napaka-perpektong nilalang ang mga nasa poder at maging ang mga ibang sangay ng gobyerno at mga local na pamahalaan.

Imbes na magkaisa sa pagtulong sa mga mamayan na labis na naapektuhan dulot na rin ng matinding galit ng kalikasan, ay nagawa pa nilang manisi, manira at lalong nilulublob sa mas malapot na putik ang kapwa. Walang Makita na seryosong tabaho na dapat nilang gampanan, bagkus pawang mga pagbabato sa mga kapalpakan, kanya-kanyang “scapegoats” pagkatapos nilang masaksihan ang kinalabasan ng bagyo at baha, at kapalpakan na rin sa hindi pagtugon ng maayos sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad.

Marami pa rin sa kalakhang maynila ang lubog pa rin sa baha, maging ang karatig na probinsiya na nag mistulang “waterworld” na tulad ng napanood ko noon sa sinehan. Ang local Government unit (LGU) at mga national agencies tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at Metro Manila Development Authority (MMDA) ay dapat magkaisa sa pagsasa-ayos sa mga nasirang imprastraktura at paglilinis sa mga putik sa lansangan maging sa mga iba’t-ibang lugar sa bansa, dahil kapag hinayaang magtagal pa, baka lalo lamang magdudulot ng mas malala pang situasyon, dahil na rin sa mga masangsang na amoy sa kapaligiran, maraming bakterya na kakapit sa katawan at dumi tulad na rin mga basura mga patay na hayop maging ang mga naglutangang “ebak” dahil sa pag apaw ng mga palikuran.

Subalit, ang lahat ng ito ay kailangan pa rin ng tulong ng mga mamayan, huwag sanang I-asa lahat sa gobyerno, dapat din tayong makipag tulungan para na rin sa ating kapakanan at sa muling pagbangon mula sa trahedya na dulot ng galit ng kalikasan. Higit sa lahat huwag din sanag ipagwalang bahala ang ating kaligtasan sa pangkalusugan, mga basurang dapat itapon kung saan nararapat, hindi sa kung saan-saan na lamang. Maniwala nawa tayo sa kasabihang…. “basurang Itinapon mo, babalik din sa iyo.” 

Shocking flood at SM centerpoint Sta.Mesa manila due to typhoon Ondoy

Ang Video na ito ay nakunan mismo sa SM centerpoint, Sta. Mesa manila kung saan halos 100 meters lamang ang layo sa aking bahay... For the first time in history that i have seen such devastating situation like this.. The great flood in manila.

Hagupit ng Bagyong Ondoy



Ang mga kababayan nating pilit na nililigtas ang mga sarili buhat sa malalim na baha.


Kahabag-habag ang mga kanilang naging karanasan sa lupit ng bagyo.


Lahat ay nagsusumikap maka-ahon lamang at makaligtas.


Hindi inalintana ang mas delikado pang situasyon, nagawa pang tumulay sa kawad ng Meralco makaligtas lamang.

Naalala ko tuloy ang kuwento sa biblia. Ang Noah's Ark.
na ang tanging pamilya lamang ni Noah ang nakaligtas sa matinding baha, dahil na rin sa pagsunod sa kautusan ng Panginoon.
Siguro nga may nais ipahiwatig din sa atin ang Diyos kaya nangyayari muli ang mga ganitong sakuna.

Ngunit ganun pa man, sa mga ganitong situasyon kelangan nating magtulong-tulong, ang magka-isa para tulungan ang mga kababayan natin na nasanlanta sa hagupit ng bagyong Ondoy.. isantabi munaang pulitika, lahat tayo ay pantay-pantay at harapin ang pagsubok na dinaranas ngayon ng ating bansa.

Nakakatuwang makita na lahat ng kababayan natin, maging ang mga pilipino na nasa ibang-bansa ay nagpadala ng tulong pinansiyal para sa ating mga kababayan, at maging ang mga dayuhan ay nagbigay tulong na rin... Nagpapasalamat din ako sa aming Organisasyon sa Pilipinas, ang aming brotherhood ay intact pa rin at hindi nagpahuli upang maging Volunteer at naglikom ng kahit anong bagay na makakatulong.. hindi ko rin pinanghiyangan ang halaga na aking naitulong sa kapwa bagkus nakakagaan sa loob.

Isang malaking tulong din ang naisipan at nagawa ng mga Bloggers ng Barrio Siete dot com na pinangungunahan ni REYNZ ang la Kapitana ng barrio, na nakalikom din ng malaking halaga para sa mga kababayan natin.. kahit nasa bansang Amerika ang Reyna Elena, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at sa lakas ng hatak niya at impluwensiya sa mga bloggers ay naipaabot ang kampanya ng pagtulong.

Mabuhay ang Pilipino.. Mabuhay ang kapatiran.

Saka ko na lang ituloy ang kantahan. Babawi na lang sa susunod.